Wednesday, November 30, 2016

HINDI AKO TULAD MO.

Huwag mo ko itulad sa iyo.
Iba ata 'to.
Ewan.
Sorry.

Pero hindi ko kaya ang mga bagay na gumana sa iyo
Oo, nagwork siya sayo. Pero mag iba tayo.
Di mo ko tulad.

Bes, siguro simulan natin sa kung ano ang kalagayan natin.

May sakit ka. Ang katawan mo ang nagsilbing hadlang kaya hindi ka makapasok.
Kahit na sa tingin mo mamamatay ka na. Pero gusto ng pagiisip mo ang pumasok.

May sakit ako. Pero hindi pa conpirmado. Baka pagiinarte ko lang ito. Ang utak at emosyon ko ang naghahadlang sa akin pumasok. Pero gusto ng pangarap ko ang pumasok.

Sorry talaga kung nagagalit ako pero magkaiba tayo.
Sorry talaga pero sa totoo lang nap-pressure ako.

Kaya ko 'to sinulat kasi hinid ko masabi sa harap mo.



BES, pagod na ako labanan ang sarili ko.
Ayoko na makipag englishan o makipagusap na para bang isang makata sa sarili ko. PWE. Ang arte. Ayoko na.


No comments:

Post a Comment